Nuggets dapa sa Spurs

SAN ANTONIO --Umis­kor si Manu Ginobili ng 22 points kasama na ang isang go-ahead 3-pointer sa fourth quarter para tulu­ngan ang San Antonio Spurs sa 109-103 panalo sa Denver Nuggets.

Hindi naglaro si All-Star Carmelo Anthony para sa Nuggets dahil sa pagkama­tay ng kanyang kapatid na babae.

Sinabi ng Nuggets na babalik sa laro si Anthony matapos ang Pasko laban sa Oklahoma City Thunder.

Si Ginobili rin ang tumiyak sa panalo ng San Antonio sa kanilang unang pagtatagpo matapos humugot ng isang charging foul kay Anthony sa natitirang 0.3 segundo sa laro.

Tumipa si Gary Neal ng 22 points para sa Spurs, dinaig ang Nuggets sa point production, 29-14, sa fourth quarter.

Itinala ng Spurs ang kanilang NBA-best record sa 25-3.

 Sa Boston, kumana si Ray Allen ng 22 puntos at nakabawi naman si Paul Pierce matapos na magmintis ang kanyang unang pitong tira nang tumapos ng 11 puntos sa second half at pangunahan ang Celtics sa kanilang pang-14th dikit na panalo makaraang igupo ang Philadelphia 76ers, 84-80.

Sa iba pang laro, pina ­­yuko ng Utah Jazz ang Minnesota Timberwolves, 112-107; hiniya ng Chicago Bulls ang Washington Wizards, 87-80 at tinalo ng New York Knicks ang Oklahoma City, 112-98

Show comments