Korona sa 18-under puntirya ni Capadocia

MANILA, Philippines –  Sisikaping makabawi ni Marian Jade Capadocia sa kabiguan sa girl’s 18-under sa pagharap nito kay Angelica Sunga sa 16-under title sa idinadaos na PSC National 2010 Age Group Tennis Championships sa Rizal Memorial Tennis Center.

Nakuha ni Capadocia na mamuro sa titulo sa torneo nang talunin si Maia Balce sa 6-0, 6-0, shutout panalo.

Tangka ni Capadocia na ibaon sa limot ang kabiguang inabot sa kapatid na si Jelle Jade sa 18-under finals na ginanap nitong Miyerkules.

Si Sunga na unseeded ay nanalo kay Joy Yuen sa tatlong mahigpitang sets, 6-2, 4-6, 6-2.

Sina Calvin Canlas at Hans Asistio naman ang magtutuos sa titulo sa kalalakihan.

Nanalo ang fourth seed na si Canlas kay Kyle Parpan, 6-1, 3-6, 6-2, habang ang 6th seed na si Asistio ay ginulat ang third seed Juan Alfonso Opulencia, 6-3, 6-4, sa isa pang semis.

Si Sunga ay nakapasok naman sa finals ng girls 14-under at kalaban niya si Erika Manduriao na kampeon naman sa 12-under.

Show comments