Game 1 papalo ngayon sa BP

MANILA, Philippines - Lumapit sa asam na titulo sa Dunkin’ Donuts Baseball Philippines Series VII ang pag-aagawan ngayon ng Batangas Bulls at Manila Sharks sa pagbu-bukas ng best-of-three championship series sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Ang Bulls na kampeon ng Series III at V ang luma-bas na pinakamahusay na koponan papasok sa finals sa naitalang 6-0 malinis na karta.

Kasama rito ang 9-3 panalo na kinuha sa Sharks na magtatangkang mapanatili pa rin ang kampeonatong pinanalunan sa Cebu sa huling Series.

Ganap na ala-1 ng ha-pon itinakda ang pagsisi-mula ng laban at ang mananalo rito ay may kakayahang mawalis ang serye kung mangingibabaw uli sa Game two sa Disyembre 18 sa nasabi ring venue.

“Ang Manila pa rin ang team to beat dahil sila ang defending champion at may beteranong players. Pero ang mga bata ay handa naman na bigyan sila ng magandang laban at sa mga huling laro nga namin ay sinikap ko na bigyan sila ng exposures,” wika ni Bulls team manager Randy Dizer.

Show comments