Guiao, Garcia, 5 iba pa pinagmulta ng PBA

MANILA, Philippines - Sa pagkakapataw sa kanya ng Flagrant Foul Penalty 2 (F2) sa first period ng laro ng Llamados at Bolts noong Miyerkules, pinatawan si off-guard PJ Simon ng multang P20,000 ng PBA Commissioner’s Office.

Sa kanyang pag-drive, binato ni Simon ng nagde­depensang Derby Ace ng bola si Ogie Menor ng Meralco sa 8:23 ng opening quarter kasunod ng kanyang pagkakatalsik sa laro.

Pinagbayad naman si Llamados’ center Rommel Adducul ng multang P5,000 dahil sa kanyang F1.

Samantala, P10,000 ang ipinataw ng PBA Office kay Rain or Shine head coach Caloy Garcia bunga ng pagkompronta nito kay technical chief Ramil Cruz, habang ito rin ang halagang binayaran ni center Jay-R Reyes mula sa kanyang hard foul.

Multang P10,000.00 naman ang ipinalasap kay Air21 mentor Yeng Guiao mula sa pagkompronta sa tatlong referees at tangkang pagpasok nito sa referees room sa halftime ng kanilang laro ng Elasto Painters.

Ang headbutt ni Express’ forward Wesley Gonzales kay Elasto Painters’ guard Jeff Chan ay nagresulta sa kanyang P20,000.00 multa.

Si Chan ay napatawan ng P1,000.00 dahil sa kanyang technical foul.

Show comments