Prulla tinapos ni Dayrit, sa finals na

MANILA, Philippines - Tinapos ni top seed Ju­lian Dayrit ang panana­lasa ni Chris Justine Prulla matapos kunin ang 6-0, 6-0 panalo upang sikwatin ang unang finals berth sa boys’ 12-and-under division ng 1st Philippine Sports Commission Metro 2010 Age Group Tennis Championships sa Rizal Tennis Center.

Ito ang ikatlong pagdo­mina ni Dayrit sa isang laro matapos gibain sina Vincent Jerome Anida, 6-0, 6-1, sa second round at sixth pick Jerome Romualdez, 6-0, 6-0, sa quarterfinals sa weeklong meet na suportado ni PSC chairman by Ritchie Garcia.

Tinalo naman ni No. 4 Akiko de Guzman si No. 2 Anne Rene Castillo, 6-3, 6-4, para makalaban sa isang title duel si unseeded Ma. Angelica Sunga, nakakuha ng first round bye at nanalo sa kanyang dalawang laro via walkover sa girls’ 16-and-under.

Pumasok naman si Sunga sa finals ng girls’ 14-and-under nang kunin ang 6-2, 6-2 panalo kay No. 1 Maia Bernadete Balce.

Show comments