Salpukan na sa Revilla Cup

MANILA, Philippines - Simula na ngayong ga­bi ang malaking sagupa­an ng mga pangunahing gamefowl breeders ng bansa, ang pinananabikang Revilla Cup seven-cock invitational derby sa Cavite Coliseum and Derby Center sa Bacoor, Cavite.

Ang Revilla Cup, na nasa ika-20 taon na, ay may guaranteed prize na Tatlong Milyong Piso at tatampukan ng mga entry ng mga sikat na cocker-breeders gaya nina Elwin Javelosa ng Bacolod, Bebot Uy at Rey Castañeda ng Davao at Patrick Antonio. Magiging bahagi rin ng event si Sarangani Congressman at Eight Division Champ Manny “Pacman” Pacquaio.

 Ang pot money ay nasa P55,000 at ang minimum bet naman ay P22,000. Tatanggap ang handler ng winning entry ng P100,000 samantalang P50,000 naman sa gaffer nito. Nagsimula na kahapon (Lunes. Disyembre 6) ang pagsu­mite ng timbang mula 8 am hanggang 10 pm. at ang susunod ay gaganapin sa Disyembre 8 at 10 sa pareho ring oras. 

Ang kinakailangang tim­bang ay mula 1.8 hanggang 2.5kgs.

Show comments