P-Noy no show sa Asian Games party

MANILA, Philippines - Hindi man nakara­ting si Pangulong Benig­no “Noynoy” Aquino III ay naging masaya pa rin ang Thanksgiving Party ng mga national athletes at coaches kagabi sa Rizal Memorial Badminton Center sa Vito Cruz, Manila.

Sina gold medal winners Biboy Rivera ng bowling, Dennis Orcollo ng billiards at Rey Saludar ng boxing ay tatanggap ng tig-P1,000,000 base sa Republic Act No. 9064 o “Sports Incentives Act”.

Ang apat na silver me­dalists ay makakakuha ng P500,000 cash incentive, habang P100,000 naman para sa siyam na bronze medalists.

Sinabi rin ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia na tatanggap ang mga national athletes at coaches ng tig-P3,000 bilang Christmas bonus.

Samantala, ibinigay na ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ang P2.275 milyon na cash incentives sa mga national coaches at trai­ners na gumiya sa kanilang mga atleta sa pag-uuwi ng me­dal­ya sa Olympic Games, Asian Games at Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay PAGCOR chairman Jorge Sarmiento, sinunod lamang nila kung ano ang nakasaad sa National Athletes, Coaches and Trainers Incentives Act of 2001.

Ang mga coaches at trainers ay tatanggap ng kalahati sa nakuhang cash incentives ng kanilang mga atletang sumikwat ng medalya sa naturang mga sports events. 

Show comments