Paglahok ng Le Tour de Filipinas inaprobahan na ng UCI

MANILA, Philippines - Inaprubahan na ng Union Cycliste Internatio­nale (UCI) ang paglahok ng Le Tour de Filipinas (Tour of the Philippines) sa Asia Tour calendar sa 2011.

Ang nasabing UCI race, nasa ilalim ng Asian Cycling Confederation at ng Asean Cycling Association, ay nakatakda sa Abril 16 hanggang 19.

Itatampok sa four-stage race at halos apat na UCI continental teams laban sa mga Filipino riders bukod pa sa mga club teams mu­la sa Asya at iba pang bansa.

Noong nakarang taon, si David McCann ng Ireland ang nagkampeon sa inaugural staging ng Le Tour.

Si McCann, isang da­ting Tour of Ireland champion at lumalaro sa isa sa mga top continental teams na Taiwan-based Giant Asia, ang naghari sa natu­rang four-day event na may stages sa Tagaytay City, Manila (Roxas Boulevard) at Subic.

Isang ‘brainchild’ ni da­ting PhilCycling president Bert Lina, ang Le Tour de Filipinas ay isa sa 27 races na nakatala sa 2011 calendar ng UCI’s Asia Tour.

Apat na European teams at ang Marco Polo, ang pinakamabigat na continental squad sa Asia, ay inimbitahan para sa 2011 Le Tour de Filipinas.

Show comments