Mosley handang bumaba para makalaban si Pacman

MANILA, Philippines – Mula sa isang pagiging 160-pounder, handang bumaba si Sugar Shane Mosley sa 147 pound weight limit (welterweight) para makalaban si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

“That’s fine. I’m cool with it,” sabi kahapon ng 39-an­yos na si Mosley sa panayam ng FightHype. “I’m 160 (pounds) right now; about 158, 159, 160 right now, so it’s just 10 pounds. I’m really a welterweight.”

Si Mosley ang isa sa mga ikinukunsidera ni Bob Arum ng Top Rank Promotions para sa posibleng makasagupa ng 31-anyos na si Pacquiao sa Mayo ng 2011.

Ito ay kung hindi na maaayos ang megafight nina Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr., dalawang beses uma­tras sa kanilang mga naunang negosasyon para labanan si Pacquiao.

Tangan ni Pacquiao ang 53-3-2 win-loss-draw ring re­cord kasama ang 38 KOs, habang dala ni Mosley ang 46-6-1 (39 KOs) slate.

Ayon kay Mosley, alam na niya kung paano labanan si Pacquiao na pilit na iniiwas sa kanya ni trainer Freddie Roach.

“My arms are long, I know how to keep my range, make him come at me, and I can jab him because I’m longer than him,” ani Mosley kay Pacquiao. “That’s going to give him some problems.”

Bukod kay Mayweather, Jr. (41-0-0, 25 KOs), nasa listahan rin ni Arum si Juan Manuel Marquez (51-5-1, 37 KOs). 

Show comments