Abarrientos, Pablo uupo na sa bench ng FEU

MANILA, Philippines - Dalawang tiningalang players na mula sa Far Eastern University ang ki­nuha ng paaralan upang makasama sa kanilang coaching staff.

Ang mahusay na pointguard na si Johnny Abar­rientos at dating kinatakutan sa frontline na si Vic Pablo ay magkakasama uli sa FEU hindi bilang man­lalaro kundi bilang mga assistant coaches ng interim head coach na si Ritchie Ticzon.

Sina Abarrientos at Pab­lo ay nagtulong nang bigyan ng titulo ang Tamaraws noong 1991 UAAP season at sila ay nagtagumpay din ng naglaro sa PBA.

Ayon kay FEU athle­tic director Mark Molina, hinugot ang dalawa upang tulungan ang mga manlala­ro ngayon na naglalaro sa kanilang dating mga pu­westo.

“Ito ang unang pagka­kataon na kumuha kami ng coaches na ang role ay naka-focus sa specific skills. Vic will develop our big men while Johnny will enchance the level of our guards,” wika ni Molina.

Sina Pablo at Abar­rientos ang ikalawa at ikat­long assistant sa FEU ma­tapos ni Mike Oliver.

Napilitan ang FEU na magbago sa kanilang coaching staff nang nagbi­tiw si Glenn Capacio bilang head coach matapos matalo ang Tamaraws sa Ateneo sa nagdaang UAAP men’s basketball season.

Si Ticzon na dating man­lalaro ng Eagles, ang si­yang kinuhang kapalit dahil assistant din siya ni Ca­pacio at naihatid na niya ang FEU sa ikatlong puwesto sa nagdaang UNI­Games sa Dumaguete City.

Nagkasama na sina Pablo at Abarrientos sa bench ng FEU pero hindi naging maganda ang unang pag-upo nila dahil lumasap ng 57-75 pagkadurog ang koponan sa Adamson sa quarterfinals sa idinadaos na Philippine Collegiate Champions Cup.

Ang pinal na desisyon kung mananatili ang mga ito bilang coaches ng kopo­nan ay mangyayari bago lumarga ang 2011 UAAP sea­son.

Show comments