DENVER--Hindi na kinailangan ng Denver Nuggets ang kabayanihan ni Carmelo Anthony para talunin ang Phoenix Suns.
Umiskor si J.R. Smith ng season-high 30 points upang tulungan ang Nuggets sa 138-133 paggupo sa Suns na siyang naging highest-scoring game ngayong season.
“It was a unique game,” sabi ni Nuggets coach George Karl. “I think everybody enjoyed the game except the coach who coaches defense.”
Kinausap ni Karl si Anthony bago ang kanilang laro.
“He wanted to try it,” ani Karl. “Melo knows how important he is, but he probably made the right decision. He didn’t look very good. He didn’t look like a healthy guy.”
Nag-ambag naman si Chauncey Billups ng 25 points at 8 assists para sa Nuggets.
Tumipa si Jason Richardson ng 39 points para sa Pheonix, habang may 17 points at 11 assists si Steve Nash.
Los Angeles, naglista si Roy Hibbert ng 24 puntos at 12 rebounds upang ibigay sa Indiana ang kanilang unang panalo laban sa Los Angeles Lakers, 95-92 sa Staples Center.
Nagdagdag si Danny Granger ng 18 puntos para sa Pacers, na natalo ng 11 dikit sa Lakers sa labas ng kanilang bakuran mula noong Pebrero 14, 1999, ilang sandali bago buksan ang Staples Center.
Nagsalpak naman si Kobe Bryant ng 23 mula sa kanyang 41 puntos sa second half para sa Lakers, subalit nagmintis ang kanyang dalawang panablang dalawang tres sa huling segundo ng labanan.
Sa New Orleans, ipinasok ni Manu Ginobili ang 15 mula sa kanyang 23 puntos sa second half at nakaahon ang San Antonio Spurs mula sa 17-puntos na deficit at ipalasap sa New Orleans ang kanilang unang kabiguan sa kanilang sariling bakuran sa season, 109-95.
Sa iba pang resulta, tinalo ng Utah Jazz ang L.A. Clippers, 109-97; hiniya ng New York Knicks ang Detroit Pistons sa double overtime, 125-116; pinasabog ng Houston Rockets ang Oklahoma City Thunder, 99-98 habang pinagulong naman ng Atlanta Hawks ang Toronto Raptors sa iskor na 96-78.