Patriot giba sa KL Dragons

MANILA, Philippines - Malamya ang ipinakitang laro ng Philippine Patriots upang lasapin nila ang ikalawang sunod na kabi­guan sa AirAsia ASEAN Basketball League Season 2 sa kamay ng Westports KL Dragons, 96-81, kaha­pon sa MABA Gym sa Ma­l­aysia.

Hindi napigil ng Patriots ang pag-iinit agad ng dating UAAP scoring champion na si Patrick Cabahug upang tulungan nito ang host Dragons sa 45-31 kalamangan sa half time sa kanyang ibinagsak na 19 puntos.

Tumulong pa sina imports Nakiea Miller at Alex Hartman sa sumunod na yugto ng labanan para makuha ng Dragons ang kanilang ikalimang panalo sa siyam na laro at ikaapat na sunod sa sariling bahay.

Nalaglag ang tropang pag-aari nina Mikee Romero at Tony Boy Cojuangco sa ikatlong kabiguan sa siyam na laro para malaglag sa ikalawang puwesto.

Show comments