6 gold at 2 silver para sa Doña Rosario High

MANILA, Philippines – Anim na gintong medal­ya ang inangkin ng Doña Rosario High School sa Novaliches sa secondary level ng arnis competition na idinaos sa Roces High School sa DepEd, Quezon City.

Ang naturang mga gold medals ay nanggaling kina Dandred Diaz, Nikko Gonzaga, Sweet Princess Dacoy, Jonalene de Guzman, Cecilia Ubas at Krizzia Camille Silvestre.

Bukod sa anim na ginto, kumolekta rin ang Doña Rosario ng dalawang pilak na medalya mula kina Kenneth Domdom and Yannalyn Maglangit.

“Nagbunga ang kani­lang mga ginawang pagsasanay,” sambit ni coach/trainor Rene M. Masbate sa kanyang mga atleta.

Show comments