MANILA, Philippines - Hindi nasunod ang last second play ng Philippine Patriots para lasapin ang 69-68 kabiguan sa Chang Thailand Slammers sa AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) Season 2 noong Sabado ng gabi sa Yñares Sports Arena sa Pasig City.
Hindi makatanggap ng pasa si import Donald Little sa ilalim dahilan para ipilit ni Warren Ybañez ang pilipit na layup na kanyang naimintis upang makita ng Patriots ang 11-game home winning streak na nagtapos sa kabiguan.
Ipinasok ni import Rashiem Wright ang dalawang freethrows bago nakabuslo ng tres si Egay Billones para sa 66-64 lamang ng Patriots.
Muling kinuha ng Slammers ang 69-66 abante patungo sa kanilang panalo.