Smart age-group taekwondo tilt

MANILA, Philippines - Aagaw ng eksena ang mga mahuhusay at mga batang jins sa Nov. 20-21 sa pagtatanghal ng 2010 Smart National Age-Group Taekwondo Championship sa Rizal Memorial Coliseum.

Inaasahan ni Philippi­ne Taekwondo Association president Robert N. Aventa­jado ang tinatayang 1,200 male at female athle­tes na sasabak sa aksyon sa torneong suportado ng Philippine Sports Commis­sion, Smart Inc., PLDT, Adi­das at Milo.

Ayon kay organizing committee chairman Sung Chon Hong ang dalawang araw na event ay magbi­bi­gay sa mga batang jins ng pagkakataon na maipakita ang kanilang mga natutunan sa ngayon sa nasabing palakasan. Ito ay suportado rin ng PTA’s at ng go­vernment’s grassroots program.

Ang mga kompetisyon ay gagawin sa dalawang division--junior men at wo­men at grade school para sa lalaki at babae. Ang mga lahok ay ika-katergorya sa Novice 1, Novice 2 at Ad­vance groups.

Ang mga kalahok na edad 14-16 ay sasabak sa junior division habang ang 13 anyos pababa ay sa grade school division.

Show comments