Patriots kakana uli ng panalo kontra Brunei

MANILA, Philippines - Matibay na depensa ang siyang hanap ngayon ni coach Louie Alas sa kanyang bataan sa pagharap uli ng Philippine Patriots sa Brunei Barracudas sa pagpapatuloy ng AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) Season 2 sa Brunei Indoor Stadium.

Ito ang ikatlo at huling pagkikita ng Patriots at Bar­racudas sa eliminasyon at gaya sa huling labanan sa Brunei ay tanging si 6’10 Donald Little lamang ang magiging import ng tro­pang pag-aari nina Mikee Romero at Tony Boy Cojuangco.

Si Anthony Johnson na kumulekta ng 24 puntos at 12 rebounds sa 75-69 panalo sa Brunei na nilaro sa Ynares Sports Arena sa Pasig City noong Oktubre 3 ay pinauwi na dala ng kan­yang right hamstring injury. 

Show comments