Air21 bumangon

MANILA, Philippines - Natunghayan ang ma­tinik na shootout nina Ronjay Buenafe at Gary David.

Ngunit sa huli, si Bue­na­fe ang nakakuha ng pa­nalo matapos tulu­ngan ang Air21 sa malaking 102-95 tagumpay kontra Powerade sa elimination round ng PBA Philippine Cup kahapon sa Araneta Coliseum.

Nagtala si Buenafe ng personal conference-high 28 points, tampok rito ang 11 sa final canto, para sa Express ni coach Yeng Guiao.

May 3-3 rekord nagyon ang Air21 katabla ang Alaska sa ilalim ng San Miguel (5-1), Talk ‘N Text (5-1) at Barangay Ginebra (4-2) ka­su­nod ang Powerade (3-4), Rain or Shine (3-4), Barako Bull (2-4) at nagdedepensang Derby Ace (1-5).

Kasalukuyan pang nag­lalaro ang Beermen, ha­ngad ang kanilang pang limang sunod na arangkada sa ilalim ni rookie coach Ato Agustin, at Bolts.

Mula sa isang 14-point lead, 69-55, ng Tigers, na­nguna si Buenafe sa pagbangon ng Express para makadikit sa 68-69 agwat sa 1:55 ng third period.

Ang dalawang basket nina Buenafe at No. 1 overall pick Nonoy Baclao ang nagbigay sa Air21 ng una­han, 93-87, sa 4:45 ng fourth quarter matapos ang 82-78 bentahe ng Powerade.

“I just thought they relaxed a little bit that gave that small opportunity to come back,” wika ni Guiao sa Tigers ni mentor Bo Pe­rasol, nakahugot ng 28 points kay David.

Nagdagdag si JR Quinahan ng 19 points para sa Express, habang may 10 naman si Wesley Gonza­les.’

Umiskor si Norman Gon­zales ng 16 points pa­ra suportahan si David kasunod ang 12 ni Mark Ma­capagal.

Samantala, dinala ng Me­ralco si Dennis Daa sa Barako Bulls kapalit ni Hanz Thiele.

Ang 6’3 na si Thiele ay isa sa dalawang aspi­rante na hindi nakuha sa nakaraang 2010 PBA Rookie Draft.

Air21 102 - Buenafe 28, Quinahan 19, Gonzales 10, Matias 9, Al Hussaini 7, Najorda 7, Baclao 6, Urbiztondo 4, Sharma 4, Arboleda 4, Guevarra 2, Rodriguez 2.

Powerade 95 - David 28, Gonzales 16, Macapagal 12, Espino 9, Reyes R. 7, Lanete 6, Laure 6, Ritualo 6, Rizada 3, Calimag 2, Reyes J. 0, Allera 0, Enrile 0.

Quarters: 11-17, 41-47, 68-71, 102-95.

Show comments