Ouschan reyna sa World 10-Ball

MANILA, Philippines - Ang ‘crowd darling’ na si Jasmine Ouschan ang bagong reyna ng World 10-Ball.

Bumangon ang 24-an­yos na Austrian mula sa isang four-rack deficit para kunin ang dramatikong 10-6 panalo laban kay Ga-Young Kim ng South Korea sa final round ng torneo ka­makalawa ng gabi sa Robinson’s Galleria sa Quezon City.

Inangkin ng dating world No.1 player ang pitong su­nod na racks matapos ma­baon sa 0-4 upang angkinin ang kanyang unang major title.

Ibinulsa ng Austrian ace player ang $20,000 top prize bilang ikalawang cue artist na nanalo ng World Women’s 10-Ball crown matapos ang Pinay na si Rubillen Amit noong 2009.

Show comments