Patrombon sibak na sa Thailand netfest

MANILA, Philippines - Hindi nakakuha ng magandang suporta si Jeson Pa­trombon sa kasamang si Sergei Shipalov ng Uzbekistan upang mamaalam na sa LTAT-ITF Junior Grade 2 doubles tournament sa Nonthaburi, Thailand.              

Dahil mag-isa lamang kumakayod matapos ayaw maglaro ng husto si Shipalov laban sa mga kakilalang sina Evgeny Karlovskiy at Mikhail Vaks ng Russia, na­lasap ng second seeds ang 1-6, 4-6, kabiguan sa quar­terfinals na ikalawang sunod ngayong taon.

Show comments