6th win pakay ng RP Patriots vs BritAma

MANILA, Philippines - Mapangatawanan ang pag­hawak sa liderato ang pakay ng Philippine Pa­triots sa pagharap sa Satria Muda BritAma sa pagpa­patuloy ngayon ng Air Asia ASEAN Basketball League Season II sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ito ang unang pagka­kataon na magku-krus ang landas ng Patriots at Brit­Ama matapos maglaban para sa championship noong nakaraang taon na kung saan ang host team ang nangibabaw sa 3-0 sweep.

Ganap na alas-8 ng ga­bi ang sagupaan at kung madodomina uli ang bisitang koponan ay mapapalawig ng tropang hawak ni coach Louie Alas ang na­ngungunang karta sa 5-0.

Di gaya ng Patriots, ang BritAma ay nangangapa sa kanilang dating porma kung saan hawak ang 1-4 win-loss slate.

Show comments