Armenian boxer ipinatawag ni Roach para maka-spar ni Pacman

MANILA, Philippines - Matapos sina Michael Medina ng Mexico at Glen Tapia ng Dominican Republic, si Vanes Martiros­yan naman ng Armenia ang makaka-sparring ni Fi­lipino boxing superstar Manny Pacquiao.

Ang sumisikat na light middleweight prospect na si Martirosyan ay tinawagan na ni American trainer Freddie Roach para pag­   handaan ang kanilang sparring ni Pacquiao sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California.

“I just got the phone call and I can’t wait to get in there with Manny,” sabi ni Martirosyan, nagbabandera ng malinis na 28-0-0 win-loss-draw ring record kasama ang 17 KOs.

Kumpiyansa si Martiros­yan na siya ang makakapagbulsa ang itinayang $1,000 ni Roach para sa sparmate na makakapagpabagsak sa world seven-division champion na si Pacquiao.

Umaasa rin si Martiros­yan na matutulungan niya si Pacquiao sa paghahan­da para sa laban nito kay Mexican Antonio Margarito sa Nobyembre 13 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

Show comments