MANILA, Philippines - Pinahigpit pa lalo ng Star Grop of Publications ang kanilang tsansa para sa outright semis ng 2010 MBL Invitational Basketball Championships matapos nilang pataubin ang Royale Business Club, 83-75 habang yumuko naman ang Lyceum sa EJM Pawnshop sa Lyceum Gym sa Intramuros kamakalawa.
Nagtulong sina Dennis Rodrgiuez at Gio Coquilla para sa mga krusyal na puntos para sa Star Group na hindi natinag sa ilang ulit na tangka ng Royale BC na makabalik sa laro para tumabla sa ikalawa at ikatlong puwesto ng ligang sinusuportahan ng Smart Communications, Dickies at PRC Managerial Services.
Nagpasabog ng team-high 22 puntos si Rodriguez kabilang ang dalawang three-point connections sa loob ng huling dalawang minuto ng laro na sinaksihan ng team owner na si Miguel Belmonte.
Nagbigay naman si Coquilla ng 14 puntos, habang may 12 at 10 naman sila Virgilio Roque at Jong Bondoc, ayon sa pagkakasunod para sa Starmen na minamanduhan ni coach Rene Recto at team manager Mike Maneze.
Bukod sa mga nabanggit, nakakuha rin si Recto ng malaking suporta kina Mario Geocada na tumapos ng 9 puntos, Cris Corbin na may 4 at Bong Martinez na may 2 puntos na produksyon.
Namuno naman para sa Royale BC na lumaro ng wala ang kanilang top gunner na si Toto Bandaying, ang dating UE Red Warrior standout na si Jorel Canizares na may 26 puntos.
At gaya ng Star Group, naging impresibo rin ang panalo ng EJM Pawnshop na sumandig kina Yurick Floring, Galen Cacha at Arnold Sta. Maria upang makahugot ng come-from-behind na tagumpay laban sa Lyceum para mapanatili ang kanilang tsansa.
Kumana si Floring ng 24 puntos habang nagsanib para sa 25 puntos sina Cacha at Sta. Maria para sa Quezon City-based squad.
Star Group 83--Rodriguez 22, Coquilla 14, Roque 12, Bondoc 10, Geocada 9, Dimas 6, Corbin 4, Martinez 2, Bartolome 2, Reyes 2, Ortega 0, Reducto 0, Tabang 0.
Royale BC 75--Canizares 26, Boliver 13, Eguilos 12, Poloyapoy 8, Alastre 7, Santos 3, Dedicatoria 2, Bernabe 2, Avendano 2, Barret 0, Arquero 0, Maneja 0.
Quarterscores: 18-16, 43-33, 67-59, 83-75.
EJM Pawnshop 83-- Floring 24, Cacha 14, Sta Maria 11, Escosio 8, Bibe 8, Marcos 7, Zablan 5, Santos 4, Lima 2, Morillo 0.
Lyceum 74--Fampulme 18, F.Ong 11, Abaya 6, Difuntorum 6, S.Kho 6, Guevarra 6, Santos 6, Azores 5, Rimando 3, Lacap 3, Medina 2, Salazar 2, Anacta 0, Cayabyab 0, G.Ong 0.
Quarterscores: 18-20, 34-32, 59-54, 83-74.