MANILA, Philippines - Pinanood ni boxing promoter Bob Arum ang kanyang prized fighter na si Manny Pacquiao na makipagsabayan sa kanyang mga sparring partners bilang paghahanda laban kay Antonio Margarito ng Mexico.
Ayon kay Arum, hindi pa ibinibigay ni Pacquiao ang lahat kontra kina sparring partners Glen Tapia ng Dominican Republic at Michael Medina ng Mexico.
“At this point, you don’t wanna turn it on, because you’ve got to save it for the fight,” wika ni Arum sa panayam ng ABS-CBN mula sa Baguio City.
Inaasahan ni Arum na magiging problema ng Filipino champion ang kanilang height disparity ng 5-foot-11 na si Margarito.
“That’s gonna be a problem fighting a tall guy like Margarito because he has to punch up, so that’s not gonna be easy,” wika ni Arum.
Ngunit hindi naman ito pinapansin nina Tapia at Medina.
“It’s not gonna bother him. He’s good. It’s natural for him,” sabi ni Tapia.
“The skill of Manny is going to break that height] advantage,” wika naman ni Medina.
Limang rounds ang inubos ni Pacquiao kay Tapia, habang apat na rounds naman ang kanyang ibinigay sa kanilang sparring ni Medina.
Binigyan ni Arum si Pacquiao ng “satisfactory performance”.
“All in all, it’s good. Most of it is satisfactory,” wika ng veteran promoter.