RP Youth sibak na sa FIBA Asia

SANA’A, Yemen -- Nata­lo ang Nokia RP U-18 team sa Chinese-Taipei, 81-64, na nagpatalsik sa kanila sa semifinal round ng Fiba Asia U-18 Championships dito sa 22nd May Stadium.

Nakadikit ang Nationals sa halftime, 38-41, nang umarangkada ang mga Taiwanese sa third quarter mula sa kanilang kinuhang 17 points patungo sa kani­lang 75-57 abante sa huling 1:41 ng fourth period.

“The boys played hard but Chinese Taipei played a better game. The boys are so down at the moment and we hope we could muster enough pride when we play again today,” ani head coach Eric Altamirano.

Makakatapat ng RP squad ang Japan, natalo sa Korea, 76-83, nga­yong alas-7 ng gabi (Manila time).

Bukod sa Taiwan at Ko­rea, ang iba pang uma­bante sa semis ay ang Chi­na, umiskor ng 87-56 tagumpay laban sa Lebanon, at Iran, tinalo ang Yemen, 80-45.

Ang top three finishers ang makakalaro sa 2011 Fiba U-19 championships sa Latvia.

Umiskor sina Kiefer Ravena at Gelo Alolino ng tig-15 points para sa Na­tionals.

Show comments