Chavez nagka-problema sa visa

BAGUIO CITY, Philippines - Dahi­lan sa kanyang problema sa visa, hindi pa rin dumara­ting sa Pilipinas si Mexican Julio Cesar Chavez na si­yang magiging pangunahing sparmate ni Manny Pacquiao.

Ngunit sa kabila nito, kumpiyansa pa rin si trainer Freddie Roach na magi­ging maganda ang sparring session ni Pacquiao kina Glen Tapia ng Dominican Republic at Michael Medi­na ng Mexico.

“We have already a ga­me plan for the fight,” wi­ka ni Roach sa paghahan­da ni Pacquiao laban kay Antonio Margarito ng Mexico sa Nobyembre 13 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

Sinimulan na ni Pacquiao ang seryosong pag­hahanda matapos mag-jogging sa Burnham Park bago ang kanyang regular gym workouts at mitt trai-ning kay Roach sa Shape Up Gym sa Cooyesan Hotel dito.

Isinama ni Pacquiao ang kanyang Jack Russel Terrier dog na si “Pac man” sa kanyang pagtakbo kung saan siya sinabayan ng kanyang mga tagaha- ngang joggers.

Sa dami ng tao, hindi na nagawa ni Pacquiao ang kanyang regular stretching matapos ang jogging.

Ang matibay na resis- tensya ni Pacquiao, ayon kay Filipino trainer Buboy Fernandez, ay masusubukan sa pakikipag-sparring kina Tapia (7-0, 5KOs) at sa 24-anyos na si Michael Medina (24-2-2, 19 KOs) simula ngayong umaga.

“I need to be prepared,” sabi ni Pacquiao bilang pag­hahanda kay Margarito.

Para makita ang ikikilos ng mas matangkad na si Margarito, kinuha ni Roach ang mataas ring si Chavez.

Hindi pa naaayos ni Cha­vez ang kanyang visa para makapasok sa bansa.

“But I have two great guys taking care of it,” wika naman ni Roach sa pagkakaantala ng pagdating ni Chavez.

Sa kabila nito, kumpiyansa pa rin ang four-time Trainer of the Year na maaayos ang problema ni Chavez sa visa.

Paglalabanan ng 31-an­yos na si Pacquiao at ng 32-anyos na si Margarito ang bakanteng World Bo xing Council (WBC) light middleweight crown.

Hangad ni Pacquiao na maangkin ang kanyang pang walong world boxing title sa walong magkakaibang weight divisions. 

Show comments