MANILA, Philippines - Kapwa ipinagpatuloy ng University of Manila at STI ang kanilang pagkakakapit sa top posisyon matapos na igupo ang kani-kanilang mga kalaban, kasabay ng paglapit naman ng Informatics sa semifinal sa 10th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities sa UM Gym kahapon.
Naiwasan ng Hawks na makatikim ng upset mula sa Our Lady of Fatima U Phoenix ng kanila itong malusutan sa iskor na 73-66, at ilista ang kanilang pang-14th panalo matapos ang 16 laro, habang hiniya naman ng Olympians ang Centro Escolar U Scorpions, 74-68 para sa kanilang pang-13th panalo sa likod ng 16 laro.
Sa kabilang dako, niyanig ng Icons ang San Sebastian-Cavite Baycats, 81-58 upang makasama ang Hawks at Olympians sa playoff phase sa kanilang 11-5 (win-loss) slate sa tournament na ito na inorganisa ni Dr. Jay Adalem ng host school St. Clare College-Caloocan at may ayuda mula sa Vega Balls at Tropical
Sa isa pang laban, pinataob ng AMA Computer U Titans ang New Era U Hunters, 84-64 para sa kanilang ikapitong panalo matapos ang walong talo.
Gayunpaman, nananatiling nasa kontensiyon ang CEU at OLFU, taglay ang kanilang 10-5 at 10-6 win-loss slate patungo sa nalalapit na pagtatapos ng second round sa event na ito na pinangangasiwaan ni commissioner Ronnie Cahanding at tournament director Benjie Diswe. (JV)
STI 74 - Morales 15, Betayene 14, Ablaza 12, Gabo 8, Bautista 8, Sabellina 6, Ihalas 6, Chavez 3, Melano 2.
CEU 68 - Lobaton 12, Babad 12, Almario 9, Chua 6, Flores 6, Gallardo 6, Antes 6, Magbitang 5, Banas 2, Taclas 2, Garcia 2.
Quarterscores: 24-17; 39-35; 48-56; 74-68.