Hawks sinilo ang Baycats

MANILA, Philippines - Pinayukod kahapon ng University of Manila ang San Sebastian-Cavite, 81-60 upang manatiling matatag sa pagkapit sa so­long liderato sa 10th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) bas­ketball tournament sa UM gym sa Sampaloc.

Nagpakawala si Euge­ne Tan ng 23 puntos habang naglista naman sina Alvin Viernes at Rhandelle Colina ng 18 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod upang ibigay sa Hawks ang 13th panalo matapos ang isang kabiguan sa 12-team tournament na ito na inorganisa ni Dr. Jay ng host St. Clare College-of Ca­loocan.

Tumapos naman sina June Nistal at Raymond Alcasabas ng 13 at 11 pun­tos, ayon sa pagkakasunod para sa Baycats na bumagsak sa 7-7 win-loss slate.

Sa isa pang laro, tinalo ng Informatics ang STI, 65-64, upang mapalakas ang kanilang kampanya na manatili sa Magic Four taglay ang 9-5 win-loss slate.

Show comments