Side events sa Blue Water run magbibigay kulay sa karera

MANILA, Philippines - Kasabay ng Blue Water Day Spa Fun Run sa ika-17 ng Oktubre sa SM Mall of Asia sa Pasay City, magkakaroon rin ng Jazz Up Your Singlet contest ang mga organizers ng na­turang event.

Ayon sa mga organi­zers, ang mga kalahok ay maaaring gumamit ng mga ribbons, lace sequins at iba pa na kung saan ang mapipiling may pinakamagandang disenyo ay magka­karoon ng tsansa na ipakita ang kanilang singlet sa catwalk sa pagtatapos ng event.

Tinatayang 5,000 na mananakbo ang inaasa­hang lalahok sa fun run sa ganap alas-5 ng umaga na katatampukan ng 3K, 5K at 10K races na inorganisa ng Blue Water Day Spa na mayroong 25 branches sa buong bansa.

Patuloy pa rin ang pagpapatala para sa event na may registration fee na P500 para sa 3K, P600 para sa 5K at P700 para sa 10K sa mga outlets ng Timex sa SM MOA at Glorietta, Rox sa Bonifacio High Street, Columbia sa Greenbelt 5, Rest Toe Run sa Gateway, Urban Luxe Facial Center and Spa sa Ayala Alabang at sa Blue Water Day Spa sa Makati, Ortigas, Eastwood, Tomas Morato at Capitol Hills. Mayroon ring online registration na makikita sa www.BlueWaterDaySpaRun.com.

Lalahok rin sa naturang fun run ang mga celebrities na sina Sam Milby, Karylle, Mikaela Lagdameo-Martinez, Fabio Ide, Daniel Matsunaga, Boom Labrus­ca at si running coach Rio Dela Cruz.

Ang mga top three fi­nishes sa 10K run ay ma­kakatanggap ng P5,000, P4,000 at P3,000 habang ang magkakampeyon sa 5K race ay tatanggap ng P3,000 habang ang second at third placers ay mayroong iuuwing P2,000 at P1,000 ayon sa pagkakasunod.

Show comments