Finalists sa WNCAA malalaman ngayon

MANILA, Philippines - Ang mga upuan para sa Finals ng Seniors’ Basketball ang pag-aagawan ngayong araw habang ang mga na­ngu­ngunang koponan sa volleyball ay susubukang lumapit sa championship sa ika-41st edisyon ng WNCAA.

Ang four-time defending champion na Lyceum na winalis ang kanilang limang laro sa eliminations ay mayroong twice-to-beat na bentahe laban sa University of Asia and the Pacific sa kanilang paghaharap sa ganap na alas-9:30 ng umaga sa tahanan ng mga Lady Pirates.

Maghaharap naman sa isang do-or-die na semis series ang College of St. Benilde at Rizal Technological University ay gaganapin sa alas-2 ng hapon.

Nasungkit naman na ng Philippine Women’s Uni­versity ang unang tiket sa finals ng Senior B. Ang mag­tatagumpay sa quarterfinals sa pagitan ng Centro Escolar University at Emilio Aguinaldo College sa alas-8 ng umaga at sa pagitan ng Miriam College at San Beda College- Alabang sa alas-12:30 ng tanghali ang maghaharap para sa huling upuan sa championship.

Show comments