La Salle-Dasma, kampeon pa rin

MANILA, Philippines - Pnayuko ng La Salle-Dasmariñas ang kanilang kalaban nitong HUwebes upang mapanatiling hawak ang men’s at women’s volleyball crowns sa ninth Universities and Colleges Athletic Association (UCAA) at sa Ugnayang La Salle gymnasium sa Dasmariñas, Cavite.

Hiniya ng Patriots ang Olivarez College Sea Lions, 30-28, 25-18, 25-20, upang maibulsa ang men’s crown sa ikawalong pagka­kataon sa torneong ito na suportado ng Mikasa at Mol­ten Balls.

Sa kabilang dako, su­mandig ang Lady Patriots sa malalaking laro nina Jennifer Manzano at bagitong si Giselle Bem­bo upang talunin ang Technological Institute of the Philippines Lady Engineers, 25-12, 25-20, 25-20.

“It was a very crucial first set for us. The boys struggled and worked hard before they were able to settle down with the game in the next two sets,” ani Rojales makaraang ma-swept sa kanilang best-of-three title series sa 2-0.

Show comments