Koreans, RP jins magkasamang magsasanay

MANILA, Philippines - Bilang paghahanda para sa nalalapit na ika-16th na Asian Games sa Chi­na, magkakaroon ng pag­kakataon ang Smart National Taekwondo Team na magsanay kasama ang Korean National Squad mula sa ika-9 hanggang 16 ng Setyembre sa Rizal Memorial Coliseum.

“This is a good opportunity for our (Smart national taekwondo) wards to impro­ve their skills and techniques against world-class opponents,” ani Phi­lip­pine Taekwondo Association President Robert N. Aventajado.

Ang pambato ng Korea kabilang ang apat na opisyal sa pangunguna ni Ryoo Byung-kwan at ng 24 na atleta ay dumating sa bansa kamakalawa ng gabi at babalik sa Korea sa Setyembre 17.

Positibo ang mga opis­yal ng PTA na makakatulong sa mga Pinoy jins ang pakikipag-ensayo kasama ang Korea na isang world power sa taekwondo.

Dalawang beses isang araw ang pagsasanay ng RP Team at ng mga Korean mula alas-10 ng umaga hanggang alas-12 ng tang­hali at mula alas-2 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi.

Ang pagsasanay na ito ng mga ataleta ng bansa ay sinusuportahan ng Smart, PLDT at Philippine Sports Commission.

Show comments