England sinuwerte sa Qatari

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang pangi­ngibabaw ng mga seeded teams sa ikalawang araw ng 2010 PartyPoker.net World Cup of Pool kahapon sa Midtown Wing ng Ro­binson’s Place sa Ermita Manila.

Kasama sa pinalad na makalusot ay ang fourth seed na England na binuo nina Karl Boyes at Daryl Peach nang mauwi ang 8-7 panalo sa Qatari na si­na Bashar Hussain at Mo­hammad Al Bin Ali.

Unang nagtambal sa torneong ito na kinatatampukan ng 32 koponan buhat sa 31 bansa na naglalaban-laban para sa $60,000 unang gantimpala, kinaila­ngang magpakatatag sina Boyes at Peach nang unang nakarating sa hill ang Qatar nang maipanalo ang 13th race dahil sa scratch ni Peach.

Pero nakatira at nanalo pa sa 14th rack ang Eng­land nang matawagan ang kalaban ng ille­gal break bago itinuloy ang tagum­pay sa 15th rack matapos maipasok ni Boyes ang ma­hirap na tira sa red 3-ball.

Ang panalo ay nagpanatili sa England sa hanga­ring mahigitan ang naitala noong 2008 sa Netherlands nang sina Peach at Imran Majid ay tumapos sa ikalawang puwesto kina Li He-wen at Fu Jian-bo ng China.

“People think we should not miss but we aren’t machines. Everyone has an off day and that was an off day,” wika ni Peach.

Ang13th seed na sina Francois Cottance at Ste­phan Cohen na umiskor ng 8-5 tagumpay kina James Delahunty at Ricky Emery ng Australia upang masel­yuhan ang pagkikita nila nina Peach at Boyles sa round of 16.

Ang tenth seeds na si­na Naouki Oi at Toru Ku­ribayashi ng Japan ay nakaabante rin sa isa ring mahirap na 8-7 panalo kina Matjaz Erculj at Matej Sulek ng Slovenia, 8-7.

Samantala, magtatang­ka ngayon sina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante na lumapit pa sa hangaring ikatlong kampeonato sa pagbangga kina Ricky Yang at Muhammad Zulfikri ng Indonesia.    

Show comments