MANILA, Philippines - Tinalo ni Dresden Olympiad sensation GM John Paul Gomez si IM Yu Lie ng China sa seventh round ng 6th Prospero Pichay Cup international chess championship sa Ninoy Aquino Stadium kahapon.
Sa kabiguan ni national team mainstay GM Darwin Laylo, dinala naman ni Gomez ang kampanya ng bansa mula sa kanyang 5.0 points mula sa 4 wins, 2 draws at 1 loss.
Ang sixth-seeded na may ELO of 2527 ay nakatabla kina GM Merab Gagunashvili at David Elorta para sa fourth hanggang sixth places.
Nasa itaas naman sina GM Anton Filippov ng Uzbekistan, GM Murtas Kazhgaleyev ng Kazakhstan at GM Tamaz Gelashvili ng Georgia san asabing US$30,000-tournament na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) katulong ang Philippine Sports Commission, Local Water Utilities Administration, PCSO at PAGCOR.
Nauna nang humugot ng draw si Gomez kay Laylo sa sixth round.
Tinalo naman ni Elorta si IM Oliver Dimakiling sa isang all-Filipino battle para sa kanyang tsansa sa US$6,000 top prize.
Nakipag-draw si Filippov kina Gelashvili at Gagunashvili sa sixth at seventh round para sa liderato.