NCAA Player of the Week si Mangahas

MANILA, Philippines - Tinanghal si pointguard Allan Mangahas ng Mapua Institute of Technology bilang Accel-Filoil NCAA Press Corps Player of the Week.

Pinamunuan ng 2008 NCAA Rookie of the Year ang Cardinals sa dalawang sunod na panalo sa 86th NCAA men’s basketball tournament.

Sa nakaraang na dalawang laro ng Mapua, nagtala si Mangahas ng mga averages na 15.5 points, 4.5 rebounds, 4.0 assists at 1.5 steals.

Itinaas ng Cardinals sa 5-2 ang kanilang win-loss record matapos igupo ang Emilio Aguinaldo College Generals, 82-68, at St. Benilde Blazers, 65-63, sa overtime.

Nagtala rin si Mangahas ng personal season-high 25 points, laban sa St. Benilde bukod pa ang 4 rebounds, 3 assists at 3 steals.

Nang makuha ng Blazers ang 61-60 lamang, isang tres ang isinalpak ni Mangahas para ibigay sa Cardinals ang 63-61 lamang sa huling 1:29 ng extra period.

Show comments