MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na taon, muling dadayo ang NBA Asia Challenge sa Pilipinas para itampok ang ilang NBA Legends, NBA All-Stars at NBA Development League players.
Pangungunahan nina 2006 NBA champion at nine-time NBA ll-Star guard Gary Payton, six-time NBA All-Star power forward Chris Webber, 2002 NBA champion at six-time NBA All-Star Mitch Richmond at 2000 NBA champion at 1997 NBA All-Star Game Most Valuable Player Glen Rice.
Nakatakda ang NBA Asia Challenge sa Agosto 27 sa Araneta Coliseum na kabibilangan rin ng ilang PBA stars.
Kabilang sa mga ito ay sina four-time PBA MVP Alvin Patrimonio, Ronnie Magsanoc, Benjie Paras, Atoy Co, Dondon Hontiveros, Rico Maierhofer, Arwid Santos at James Yap.
Apat ring NBDL cagers ang matutunghayan sa naturang exhibition game na kinabibilangan nina dating Talk ‘N Text import Richie Frahm ng Reno Bighorns, Chris McCray ng Sioux Falls Sky Force, Darnell Lazare ng Maine Red Claws at Mark Tyndale ng Iowa Energy.
Ang Miami Heat Dancers ang magiging tampok na guest performer.