BOSTON - Tuluyan nang sumama si Shaquille O’Neal sa “Big Three” ng Boston Celtics.
Isang two-year contract na nagkakahalaga ng $3 milyon ang pinirmahan ng 7-foot-1, 325-pound center para sa Celtics, ang Eastern Conference champions.
Makakasama ni O’Neal sa Boston sina Paul Pierce, Kevin Garnett at Ray Allen, ang tinaguriang “Big Three” ng Celtics.
“If we get to another Game 7 down the line, I’m sure we will be glad we have Shaq on the team,” sabi ni Celtics co-owner Wyc Grousbeck.
Mula nang makuha sa 1992 NBA Draft, anim na koponan na ang nilaruan ni O’Neal na nagtampok sa kanya bilang fifth leading scorer sa kanyang 28,255 points at pang 14th sa rebounds sa kanyang 12,921 sa league history.
Nagtumpok siya ng mga averages na 24.1 points, 11.0 rebounds at 2.3 blocks at naging NBA MVP noong 2000. Si O’Neal ang siyang sasapo sa puwesto ni center Kendrick Perkins na sa Pebrero pa makakalaro dahil sa kanyang knee surgery.
Si O’Neal ay isa nang 38-anyos, habang 32 naman si Pierce, 34 si Garnett at 35 si Allen.