Balik Dallas Cowboys Stadium pala ang Pambansang kamao na si Manny Pacquiao.
Sa naturang lugar kasi ihahayag ni Top Rank promotions president Bob Arum ang laban nina Manny Pacquiao at Antonio Margarito.
Ayon kay Arum, sa August 31 nila gagawin ang announcement sa Dallas Cowboys Stadium sa Arlington, Dallas, Texas.
Naka-schedule sana noon ang Pacquiao-Margarito fight sa Las Vegas, Nevada, ngunit dahil sa walang lisensiya ang Mexican-American fight sa Amerika, inilipat ang fight venue.
Pero sabi ng Top Rank big boss, hindi pa naman pinal ang venue ng laban. Interesado rin kasi ang Royal family ng Abu Dhabi na doon gawin ang laban sa November 14. Fan daw kasi ni Pacquiao ang Royal family
Matatandaang noong nakalipas na buwan ng Marso sa laban kay Joshua Clottey sa Dallas, idinaos ang title defense ni Pacquiao.
Pero wala pa mang pormalidad sa venue ng laban, eto at nagmamalaki na ang kampo ni Margarito.
Naniniwala ang kampo ni former World Boxing Association (WBA) welterweight champion na si Margarito na alam na nila ang pormula kung pano pataubin si Pacquiao. Naku lang ha. Kailangang patunayan yan ni Margarito, baka mapasama siya sa mga hanay ng tinalo ni Pacquiao
Sabi pa ng mga ito hawak nila ang sekreto kung paano talunin si seven-division champion Manny Pacquiao, sakaling matuloy ang laban ng dalawa.
Ayon mismo kay Justin Fortune na dating conditioning coach ni Pacquiao, nakahanda umano siyang tulungan si Margarito sa inaasahan nitong laban.
Kung matutuloy ang Pacquiao-Margarito bout, paglalabanan ng dalawa ang bakanteng WBC light middleweight belt. Ito na rin ang pang-walong weight division na lalaban ang Filipino ring icon.
* * *
Prayoridad ng bagong Philippine Spoorts Comission head na si Ritchie Garcia na aayusin ang namagitang gusot sa PSC at Philippine Olympic Committee (POC). Malapit na nga naman ang 16th Asian games na gaganapin sa Guangzhuo, China sa buwan ng Nobyembre, mas kinakailangan ang pagkakakaisa kaysa ang awayan.
Kung maaalala, pinalitan ni Garcia si Harry Angping na may alitan naman kay POC Chairman Peping Cojuangco.
Ang hangaring ito ni Garcia ay may katiyakan. Si Cojuangco na tiyuhin ni Pangulong Noynoy Aquino ang nagrekomenda kay Garcia sa puwesto.
"We should not allow to happen and it should never happened again. They should work together for the good of the atletes. Because whatever it is at the end of the day it is our athletes who will suffer for this kind of relationship," ani Garcia.
Kasama ni Garcia sa pagsasaayos ng pamumuno sa PSC ay ang bagong commissioners na sina Atty. Jose Luis Reyes "Jolly" Gomez ng Philippine Little League, retired Col. Salvador "Buddy" Andrada ng tennis at si Joaquin "Chito" Loyzaga ng baseball at dating PBA star. Ang tanging holdover lamang na commissioner mula sa nakaraang administrasyon ay ang dating swimming champion na si Akiko Thompson.
Paano man nila ayusin, hangad din natin na maganda ang ililinyang prgrama ng PSC para sa kabutihan ng atleta.