PBA Press Corps bigo sa Coke Zero, pasok na sa semis ng Raffy Japa Cup

MANILA, Philippines -  Tinakasan ng Coke Zero ang PBA Press Corps, 68-65, para walisin ang Group B at umabante sa semifinal round ng Meralco-Raffy Japa Cup basketball tournament noong Linggo sa Araneta Coliseum.

Umiskor si Christopher Tiamson ng 22 points, habang nagdagdag si Teteng Repecio ng 20 kasunod ang 14 ni Adi Aumentado para sa Coke Zero na sasabak sa isang knockout game kontra sa second-ranked team sa Group A sa crossover semifinals.

Target naman ng PBA Board/Commissioner’s Office ang No. 2 spot sa Group A sa pakikipagharap nito sa Talk ‘N Text All-Stars bukas para sa pagtatapos ng eliminations ng torneong itinataguyod ng Araneta Center at Coca-Cola.

Ang San Miguel Corp. All-Stars ang unang tropang pumasok sa semis nang dominahin ang Group A.

Iniakay rin ng Coke Zero ang Pro Stats, tumalo rin sa PBAPC, 82-66, noong nakaraang Miyerkules, sa semis.

Coke Zero 68--Tiamson 22, Repecio 20, Aumentado 14, Arguelles 10, Talunay 2, Perez 0, Santos 0.

PBA Press Corps 65--Tupas 22, Ramos 15, Navarro 13, Ochoa 8, Villar 6, Cadayona 1, Macamay 0, Cortez 0, Mangonon 0, Galvez 0, Carandang 0, Orellano 0, Eduarte 0, Beltran 0.

Quarterscores: 17-17; 30-30; 50-39; 68-65.

Show comments