Mazon umukit ng kasaysayan sa bilyar

MANILA, Philippines - Tinalo ng giant-killer na si Jundel Mazon ng Philippines ang dating world ten-ball cham na si Darren Appleton ng Britain, 8-6 sa semifinal round, bago pinayuko si Irsal Nasution ng Indonesia, 10-5 sa final round upang tanghaling overall champion sa Guinness World Series of Pool – 10Ball Challenge sa Mal TamanAggrek sa Jakarta, Indonesia nitong Linggo.

Agad na kinuha ng local hero na si Nasution ang 5-1 kalamangan, subalit nananatiling buo ang kumpiyansa ng Pinoy campaigner at hindi isi­nuko ang laban nang kanyang mapagwagian ang siyam na sunod na racks tungo sa na­sabing panalo.

Narating ni Nasution ang finals matapos sibakin ang 2007 Guinness 9-ball champion na si Chang Jung-lin ng Chinese Taipei, 8-2 sa isa pang semis match.

Ibinulsa ni Mazon na ang biyahe rito ay ginastusan ng NBS, ang top prize na US$40,000. 

Tinanggap naman ni Nasution ang runner-up prize na US$20,000 ng nasabing torneo na inorganisa ng ESPN.

Show comments