Daniel napiling NCAA Accel/FilOil player of the week

MANILA, Philippines -  Muling nagbida si Ame­rican import Sudan Daniel para sa three-peat champions San Beda College sa first round ng 86th NCAA men’s basketball tournament.

Tinanghal ang 6-foot-7 na si Daniel bilang Accel/Filoil NCAA Press Corps Player of the Week.

Humakot ang tubong Los Angeles, California ng triple-double mula sa kanyang 16 points, 16 rebounds at 10 shot blocks para pangunahan ang 101-74 paggiba ng Red Lions sa Perpetual Altas noong Miyerkules sa The Arena sa San Juan.

“This is a very emotional season for us because we want to get the title back to San Beda,” sabi ni Daniel sa kanyang nakuhang weekly honors na ipinagkakaloob ng Terrilicious meat pro­ducts. Nakasalo ng San Beda sa liderato ang nag­de­de­pensang San Sebastian College-Recoletos.

Bago ang naturang laro, nagtala lamang si Da­niel ng mga averages na 8.5 points, 10.3 rebounds at 3.7 blocks.

Tinalo ni Daniel para sa weekly award na iniha­handog ng ACCEL at Fil-Oil sina San Sebastian forward Calvin “The Beast” Abueva, Mapua guard Macky Acosta at Emilio Aguinaldo College off-guard Milan Vargas. 

Show comments