SMCAS sa semis ng Raffy Japa

MANILA, Philippines - Winalis ng San Miguel Corp. All-Stars ang Group A nang gibain ang Talk ‘N Text All-Stars, 80-67, para umabante sa crossover semifinals ng Meralco-Raffy Japa Cup basketball tournament kamakailan sa Cuneta Astrodome.

Umiskor si Richard Marcos ng 23 points para pangunahan ang 3-0 rekord ng two-time champions na SMCAS sa pagsasara ng kani­lang elims campaign.

Makakatagpo ng SMCAS ang No. 2 team sa Group B para sa isang silya sa finals.

Pinalakas naman ng Pro Stats ang kanilang tsansa sa semis nang talunin ang PBA Press Corps, 82-66, at ilista ang kanilang 1-1 baraha sa Group B ng nasabing annual tournament na suportado ng Araneta Center at Coca-Cola.

Tumipa si Erwin Lagadia ng 19 points upang pagbidahan ang Pro Stats.

Kailangang manalo ng Scribes laban sa Coca-Cola para makasali sa semis race.

Show comments