Titulo idedepensa ni Casimero ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang impresibong panalo ni Nonito Donaire noong Hulyo 11, isa na na­mang Pilipino ang magtatangkang magbigay ng karangalan sa ating ban­sa ngayong araw.

Haharapin ni WBO Inte­rim light flyweight champion Johnreil Casimero si Mexican Ramon Garcia-Hirales sa labanang tinaguriang “Laban ng Lahi”.

Ang tinaguriang “Qua­dro Alas” na si Casimero ay nasungkit ang kanyang titulo noong Disyembre 20­09 sa kanyang laban kay Cesar Canchila ng Co­lumbia sa pamamagitan ng 11th round KO.

Tangan ng tubong Ormoc, Leyte ang professional record na 14-0 win-loss card at mayroong walong KO.

Ang kanyang katungga­ling 27-anyos na si Ramon Hirales ang kasalukuyang nagmamay-ari ng WBC Intercontinental light flyweight belt. Ang southpaw na si Hirales ay mayroong 12-1-1 panalo-talo-tablang baraha at mayroon ring wa­long KO.

Show comments