Smart national poomsae tourney itinakda sa July 25

MANILA, Philippines - Ang isa pang uri ng taekwondo na tinatawag na “poomsae” ang magiging pangunahing atraksyon sa pagbubukas ng Smart National Championships sa Hulyo 25 sa Ninoy Aquino Stadium.

Ayon kay Robert Aventajado, president ng Philip­pine Taekwondo Association, ang poomsae, na ang ibig sabihin ay forms, ang mga kalahok ay may susunding sistematikong oras ng paggalaw laban sa imaginary opponent. Binubuo ng pagga­law ng kamay at paa kasama ang blocking, punching, striking, thrusting at kicking ang mga mga galaw sa poomsae.

Umaasa naman si organizing committee chair Sung Chon Hong na may 1,000 ang lalahok mula sa 12 rehiyon ng bansa kasama ang ARMM, CAR, CARAGA at NCR para sa tatlong events, ang individual standard, team standard at team freestyle synchronized poomsae.

My tatlong age bracket ang naturang event. Ang children’s division ay may age limit na 13 years old habang ang juniors naman ay para sa mga 14 hanggang 17 years old samantalang ang seniors naman ay para sa mga 18 years old at pataas.

Kabilang ang Powerflex, Ateneo, San Sebastian College, UP, San Beda, DLSZ, More Than Medals, LCC-Novaliches, DLSU, Team Baguio, Pangasinan, R3 Strikers, Isabela, Cebu, Bacolod, Iloilo, GenSan, PNP at AFP sa mga koponan na nagpalista na para sa one-day event na iniisponsoran ng Smart, PLDT, PSC, Adidas at Milo.

Show comments