MANILA, Philippines - Idiniretso ng Sa Beda sa apat ang kanilang arangkada, habang nakabawi naman ang Arellano mula sa isang three-game losing slump.
Humakot si Garvo Lanete ng 22 points, 4 rebounds, 2 assists at 2 steals para tulungan ang Red Lions sa 77-60 pananaig sa Letran College, samantalang kumabig naman si Rocky Acidre, isang transferee mula sa Philippine Maritime Institute, ng game-high 24 points sa 86-67 paggupo ng Arellano University sa University of Perpetual Help-System Dalta sa 86th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.
Naging sandigan ng Red Lions ang inihulog na 14-0 atake nina Lanete, Borgie Hermida at Fil-Foreign Anthony Semarad sa kaagahan ng final canto.
Mayroong 4-0 kartada ngayon ang San Beda kasunod ang nagdedepensang San Sebastian College-Recoletos (3-0), Jose Rizal University (3-1), College of St. Benilde (1-0), Mapua (2-1), Arellano University (2-3), Letran (1-3), Emilio Aguinaldo College (0-3) at Perpetual (0-5).
Nakalapit ang Knights ni Louie Alas sa 42-53 agwat galing sa 35-53 sa third period hanggang maglunsad ng isang 14-0 atake ang Red Lions upang iposte ang isang 24-point lead, 68-44, sa 7:20 ng final canto.
Mula rito ay hindi na nakabangon pa ang Letran.
Arellano 86- Acidre 24, Celada 18, Ciriacruz 14, Zulueta 12, Lapuz 9, del Rosario 4, Advincula 3, Virtudazo 2, Caperal 0, Tayongtong 0.
Perpetual 67- Danganan 13, Alano 12, Ynion 12, Allen 11, Vidal 5, Arboleda 5, Jolangcob 3, Elopre 3, Sumera 2, Sison 0, Asuncion 0.
Quarterscores: 27-22; 50-30; 65-53; 86-67.
San Beda 77- Lanete 22, Hermida 16, Mendoza 8, J. Pascual 8, A. Semerad 6, dela Rosa 6, Marcelo 6, Daniel 5, Villahermosa 0.
Letran 60- Dysam 11, Belencion 9, Ke. Alas 8, Cortes 6, Kr. Alas 6, Almazan 5, Taplah 5, Rodil 4, Espiritu 3, Pantin 2, Alejandro 1.
Quarterscores: 22-13; 36-23; 58-44; 77-60.