So handa at kumpiyansa sa Biel chessfest

BIEL, Switzerland--Han­da at kumpiyansa. Ito ang paglalarawan ni Filipino GM Wesley So sa kanyang sarili bago ang pagsulong ng 43rd Biel International Chess Festival Young   Grandmasters   tournament sa Hulyo 19.

Ang 16-anyos na si So, ang highest-rated player ng Pilipinas mula sa kanyang ELO 2674, ay seeded fourth overall   sa category-17, all-GM tournament.

“This is   another major challenge for me, but I’m ready,” wika ni So, ang pina­kabatang GM na nasa Top 60 sa FIDE list.

“Hopefully, I can perform just as well in this 10-player tournament and pos­sibly break the 2700 ELO barrier,” dagdag pa ni So, gumawa ng ingay nang talunin sina Vassily Ivanchuk ng Ukraine at Gata Kamsky ng United States sa 20­09 World Chess Cup sa Khan­ty-Mansiysk, Russia.

Bago ang actual  tournament , magbibigay si So ng isang simul exhibition sa downtown Biel mula sa imbitasyon ng Swiss or­­ganizers.

Idedepensa ni GM Maxime Vachier-Lagrave (ELO 2723) ng France ang kanyang korona sa tor­neo.

Show comments