Baycats dedepensahan ang titulo

MANILA, Philippines - Labing-isang koponan ang su­subok na tanggalan ng korona ang naghaharing San Se­bastian College-Cavite sa pag­bubukas ng telon ng 10th season ng National Athletic Asso­ciation of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) sa napipinto nitong pagbabalik sa aksyon sa Hulyo 30 sa Ninoy Aquino Sta­dium at Rizal Coliseum.

Hangad ng Baycats ang ikat­long sunod na kampeonato sa prestihiyosong torneo na inorganisa ng NAASCU sa pa­ngunguna ng presidente na si Dr. Jay Adalem ng host school St. Clare College Caloocan sa loob ng sampung taon.

Noong nakaraan taon, winalis ng SSC-R ang five-time titlists University of Manila sa kanilang nakatakdang best-of-three titular showdown upang angkinin ang kanilang back-to-back crown.

Inuwi ng mga bataan ni coach Egay Macaraya sa Cavite ang kanilang kauna-unahang titulo noong 2008 nang kanilang payukuin ang STI College.

“We expect another exciting basketball season with most of the teams ready to take ano­ther crack at the elusive title,” ani Dr. Adalem.

Ayon kay Adalem, bagaman apat pa lamang ang koponan, kabilang ang University of Manila, SSC-Cavite, STI College at AMA Computer University na nagwagi ng NAASCU title, mahigpit pa rin daw ang magiging kompetisyon at kapana-panabik dahil sa mga pinalakas na line-up ng iba pang koponan.

Magiging guest of honor para sa kanilang pambungad na seremonyas si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping habang magsi­silbing keynote speaker si Misa­mis Oriental Governor Oscar Mo­reno.

Ayon kay Adalem, ang tema ng NAASCU ngayong taon ay “Education Through Sports”.

Show comments