MANILA, Philippines - Hangad na makasalo sa unahan ang mga bigating Golden Stags at Red Lions, sasagupain ng Chiefs ang Blazers ngayong alas-2 ng hapon sa 86th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Magkikita naman sa alas-4 ang Knights at ang Heavy Bombers.
Sa una nilang laro, tinalo ng Chiefs ang Generals, 82-72.
“Ang tanging paraan para makapag-compete kami this season ay kung dedepensa namin,” ani Arellano coach Leo Isaac.