MANILA, Philippines - Pakakawalan ngayong umaga ang Metro Manila eliminations ng 34th National Milo Marathon sa Quirino Grandstand sa Luneta Park.
Ito ang una sa 18 nationwide racing events na nakalatag para sa halos 20,000 runners na mag-uunahan para sa karangalan.
Tampok sa event ang labanan sa 42-kilometer maliban pa sa 21K, 10K, 5K at 3K races.
Inaasahang lalahok ang mga kinatatakutang Kenyan runners na unti-unting nagdodomina sa mga local events.
Noong nakaraang taon, inangkin ni Cresencio Sabal ang men’s crown ng 33rd National Finals, habang si Cristabel Martes naman ang sumikwat sa women’s title.
Kabilang sa mga side events na nakahanda ay ang inter-school cheer dancing competition, soccer mini-games at basketball shoot-out.
Magbubukas rin ang mga Special Milo booths at freebies.
Dadaluhan nina Gerald Anderson, Karylle at Toni Gonzaga ang nasabing marathon event.