Buwenamano sa GenSan, MisOr

MANILA, Philippines - Hiniya ng MP Pacman Gen­san ang host Mandaue, 68-65, upang tabunan ang pagdodomina ng Misamis Oriental sa ANI-FCA sa pagbubukas ng fourth leg ng Tournament of the Philippines (TOP) nitong Martes sa Mandaue City Cultural and Sports Centre.

 Isinantabi ng Warriors ang maagang pamamayagpag ng Land Masters at ang 6 of 26 shooting sa free throw line nang gamitan nila ng matinding trapping defense ang katunggali pa­ra masaluhan ang Meteors sa liderato sa 1-0 karta.

Wala ang boxing icon at team owner Manny Pacquiao pero ins­piradong nakipaglaban pa rin ang Warriors lalo na sa fourth period na kung saan nahiritan nila ng walong errors ang Land Masters na nakaiskor lamang ng katiting na walong puntos.

Bunga nito ay nasayang ang naunang naipundar na pi­na­­kamalaking kalamangan na 37-23 sa pangalawang yugto at 57-46 matapos ang tatlong yugto na ikinadismaya ng mga tagahanga.

Si Louie Medalla ang siyang tumayong bida nang maisalpak ang tres matapos ang isang error ng Mandaue na nagbigay ng kalamangan sa bisitang ko­ponan, 67-65.

Sumandal naman ang Meteors sa malakas na pagtatapos sa second period upang tulu­yang makuha ang momentum at maiwanan ang Cultivators para sa 96-72 tagumpay sa unang laro.

MisOr--96 Raneses 18, Cabahug 17, Daa 14, Saldua 14, Ta­ganas 11, Tagupa 11, Lucernas 4, Misa 2, Moreno 2, Andaya 2, Morial 1.

ANI-FCA-72 Sena 15, Luanzon 9, Mirza 8, Membrere 8, Hugnatan 6, Arao 5, Saguindel 4, Custodio 4, Cagoco 3, Dizon 3, Te 3, Bautista 2, Berry 2,

Quarterscores: 21-19, 44-34, 68-57, 96-72

MP Pacman Gensan - 68 Nic­dao 14, Medalla 9, Gonzaga 7, Sagad 6, Parreno 6, Farochilen 5, Callo 5, Omandam 4, Bucao 4, Coronado 3, Daja 3, Yambao 2, Concepcion 0

Mandaue - 65 Laygo 13, Magdadaro 12, Caputolan 8, Latonio 6, Larong 5, Ursal 4, Zanoria 4, Gerilla 4, Dennison 4, Diputado 3, Berami 2, Villaver 0, Gabas 0, Ga­vina 0

Quarterscores:16-24, 28-39, 46-57, 68-65.

Show comments