Frontrunner bumandera sa Team Woman Run

MANILA, Philippines - Tinalo ng Frontrunner na binubuo nila Nhea Anne Barcena, Luisa Raterta, Ailene Tolentino at Marecil Maquillan ang 80 pang koponan na sumali sa kauna-unahang Team Woman Run na idinaos noong linggo sa Venice Piazza Mall sa McKinley Hill sa Taguig.

Nagtala ang Frontrunner sa 21 kilometer event ng 1:20:45 na oras upang ungusan ang Team Dagan Cebuana tungo sa unang puwesto.

Iniuwi ng Frontrunner ang tumataginting na P70, 000 na premyo na ipinrisinta ng Wo­man, produkto ng Lactacyd.

Nasa runner-up spot naman ang Team Dagan Cebuanas na binubuo nila Madeline Carter, Mary Joy Tabal, Iorhiz Echavez at Monica Torres na nagtapos sa oras na 1:20: 42. Nagbulsa ang koponan ng mga Cebuana ng P35,000. 

Nagtapos naman sa third place ang koponan ng Fitness First South Tri na kinabibilangan nila Rizo Tangan, Mimi Lucas, Ani De Leon at Belle Grandinetti sa oras na 1:28:28 upang maisubi ang P20,000.

Show comments